Ang Paboritong Cartoons ko noong 90's

Sunday, August 30, 2009

"Kung pwede ko lang ibalik ang panahon, na ang pinakamalaking
problema ko lang ay ang kalungkutang nadarama ko kapag
ndi ako makakanood ng pabarito kong cartoons"

Lumaki ako na ang pinapanood sa telebisyon ay ang mga cartoons sa ABS-CBN. Gumigising ako ng maaga para mapanood lang ang cartoons na paboritong paborito ko. Tuwing 9:00 am hanggang 10:30am ay nakatutok na sa TV para mapanood ang mga pang-umagang cartoons at kailangan magising bago mag alas kwatro ng hapon para ndi mapalagpas ang panghapong cartoons. Ang mga cartoons na palagi kong pinapanood ay mga kwento ng buhay pakikipagsapalaran at pakikibaka nila sa kanilang buhay. Madaming bagay ang naituro sa akin ng panonood ko ng mga cartoons na iyon.

Eto nga pala ang listahan ko ng aking mga paboritong cartoons:


Princess Sarah
Dahil sa kanya, gusto ko na ring maging prinsesa nung bata pa ako, kahit gaano kahirap ang buhay nya ndi pa rin nya nakalimutang maging isang mabuting tao.

Cedie ang munting Prinsipe
Syempre kung may Princess Sarah, papatalo ba ang kalove team nyang si Cedie. Feeling ko sila ni Sarah ang bagay. haha. Dahil kay Cedie, gusto ko ring matutong tumugtog ng flute.

Dog of Flanders
Si Nelo at Patrasche ang matalik na magkaibigan. Super iyak ako sa palabas na ito. Si Patrasche ay ang alagang aso ni Nelo. Si Patrasche ang tagahila ng kariton ng gatas na binebenta nila Nelo. Naawa ako sa mga dinanas ni Nelo at Patrasche. Ang natatandaan kong ending nito ay namatay si Nelo at Patrasche na magkatabi dahil sa sobrang lamig.

Si Mary at ang lihim na hardin
Eh si Mary at ang lihim na Hardin. Natatandaan niyo pa ba???? Ang batang napakabuhaghag ng buhok.


Remi
Isang ulilang lubos si Remi na naglalakbay kasama ang isang matanda at ang kanyang mga alagang hayop. Naiiyak ako tuwing kinakanta ni Remi ang kanta nya sa kanyang ina.
"aking ina, mahal kung ina
pagmamahal mo aking ina
yakap mo sa akin.. hinahanap ko
init ng pagibig kumot ni bunso
sa gitna ng pagkakahimbing yakap mo ang gigising"

Ang mga munting pangarap ni Romeo
Isa rin to sa mga nakakaiyak na cartoons na napanood ko. Si Romeo ay isang batang tagalinis ng chimeneya. Hinaharap nya ang bawat problema ng buhay kasama ang kanyang mga kaibigan.

Blue Blink
Sinong ndi makakatanda sa kanta ni Blue Blink??
"Blue Blink sa bawat oras nariyan, tutulong sa nangangailangan"

Peter Pan
Bawat bata ata nakakakilala kay Peter Pan. Ang batang ndi tumatanda. Kalaban nya parate si Captain Hook na takot sa buwaya.

Zenki
Cute tong cartoon na to. ang Cute ni Zenki pag ndi pa siya nagtatransform sa malaking Zenki.
Bajulaong!

Magic Knight Rayearth
Kabisado ko dati ang opening song nito eh.
"kami narito asahan niyong
magtatangol"

Julio at Julia
"Si Julio at Julia, kambal ng tadhana, ndi susuko sa pagsubok.."

Daddy Long Legs
a.k.a Judy Abbot
Noong bata pa ako, ang alam kong title nito ay Judy Abbot. Pinakapaborito kong cartoon. Ang sweet ng love story nila ni daddy long legs.


P.S.>>>Sana ibalik ulit ang mga cartoon na ito. =)

0 comments:

Post a Comment