15: I hate it when it rains

Thursday, October 1, 2009

Thursday na! Bored na ako. Isang week akong walang pasok dahil sa Bagyong Ondoy. Ang daming bagay ang sinira ng bagyong yon. Una, madaming bahay ang lumubog sa iba't ibang lugar. Pangalawa, madaming materyal na bagay ang nasira. At ikatlo, maraming buhay ang nawakasan. Nakakalungkot isipin na sa isang araw lang maraming buhay ang mawawala. Ako??naapektuhan din naman kami pero thankful pa rin ako na hindi ganun kalala kagaya sa ibang lugar. Bumaha din naman sa bahay namen pero hanggang first step lang ng hagdan namen pero sa labas ng bahay ay may instant river na. Pero nung napanood ko na ang mga balita, mas naging thankful ako na ganun lang ang naranasan namen ndi gaya sa ibang lugar. Maraming tao ngayon ang walang matitirhan, walang pagkain, walang damit. Pano pa kaya sila babangon pagkatapos ng dagok na tumama sa kanila. Ako..ala akong magawa. Gusto kong magvolunteer para makatulong sa ibang tao. Bukas magVovolunteer ako sa school para magrepack ng mga pagkain na ibibigay sa mga nasalanta.

Dati, I really love it when it rains. Dahil pag malakas ang ulan, alang pasok, masarap matulog. Pero ngayon, ayoko na. Natatakot na ako. May super bagyo pa naman dito sa bansa, kakapasok lang. Kanina umulan na ng malakas. Natakot na ako, kasi feeling ko babaha nanaman. Ndi pa nga lubusang nawawala ang baha sa ibang lugar tas uulan nanaman.

Sana maging maayos ang lahat. Sana maibalik ulit ang mga bagay na nawala. Sana madami pa ang taong tumutulong sa nangangailangan. Sana wag mawalan ng pag-asa ang mga taong naapektuhan. Just keep the faith, and everythings gonna be alright.

Dahil sa nangyaring ito, madami akong bagay na narealize, na ndi kailangan maging luxurious sa buhay, ok lang na simple.

0 comments:

Post a Comment